ShipLite
Bumalik sa Blog
SAFETY GUIDEBAGO

Bakit Hindi Puwedeng "Isingit" Lang: Ang Katotohanan Tungkol sa Lithium Batteries at Dangerous Goods Shipping

Nai-publish noong January 30, 2025 • 5 minuto na pagbabasa

Propesyonal na pag-handle ng dangerous goods na may lithium batteries sa warehouse

Mahalagang Paalala sa Kaligtasan

Ang lithium batteries ay classified bilang Dangerous Goods sa ilalim ng international aviation safety regulations. Ang tamang pag-handle at pag-declare ay hindi optional—batas ito.

Sa Pilipinas, aminado tayo—sanay tayo sa diskarte. Kung puwedeng daanin sa pakiusap, "pakiusap" tayo. Kung puwedeng isingit o ipagsiksikan, go lang! Pero sa international shipping—lalo na kung may kinalaman sa lithium batteries—hindi puwede ang ganyan.

Sa ShipLite Australia, may mga pagkakataon na may nagtataka kung bakit hindi natin basta-basta sinasama ang items na may lithium batteries sa regular cargo. Bakit kailangan pa ng special handling? Bakit mas mahal ang shipping kapag may ganito?

Lithium Batteries = Dangerous Goods

Unang-una, ayon sa International Air Transport Association (IATA) at mga aviation safety authorities, ang lithium batteries ay Dangerous Goods. Ibig sabihin, may panganib ito—lalo na sa air transport. Pwede itong mag-overheat, mag-leak, o sa worst case, magliyab o sumabog kapag mali ang pag-handle.

Hindi Ito Takot—Ito'y Batas

Hindi kami nagpapakakomplikado. Batas ito. Required kaming ihiwalay at ilagay sa tamang packaging, may specific labeling, at ipadala sa tinatawag na DG cargo (Dangerous Goods cargo). Mas mahal ito kaysa sa regular cargo dahil:

  • May striktong requirements ang airlines
  • Kailangan ng trained personnel to handle it
  • Kailangang ma-track nang hiwalay
  • Mas konti lang ang pwedeng isakay kada flight para sa safety

Bakit Hindi Puwedeng I-bypass?

Minsan sinasabi ng iba, "Eh sa Pinas, sinasama lang 'yan, bakit dito hindi puwede?" – Ang sagot: Iba ang standards ng international shipping. Sa Australia, kapag nahuli kaming hindi sumusunod sa DG regulations, pwedeng ma-penalize ng libo-libong dolyar. Hindi lang iyon—maaring masuspinde ang license ng shipping company, o worst case, maapektuhan ang safety ng buong flight.

Hindi lahat ng diskarte ay ligtas. At kapag may sumabog na cargo dahil sa lithium battery na hindi properly declared, buhay ang kapalit.

Pasaway Ka Ba o Responsableng Padala?

Mahal namin ang mga customers namin, at nauunawaan namin ang cultural mindset natin. Pero ito ang totoo: hindi lahat ng diskarte ay ligtas. At kapag may sumabog na cargo dahil sa lithium battery na hindi properly declared, buhay ang kapalit.

So sa susunod na magpapadala ka ng item na may lithium battery (tulad ng cellphone, laptop, power bank, etc.), tandaan:

  • Ito ay Dangerous Goods
  • Hindi puwedeng isingit sa regular cargo
  • Kailangan itong i-declare nang tama
  • Mas mahal, oo—pero ligtas at legal

Responsableng Pagpapadala = Masayang Pamilya sa Pinas

Ang padala ay pagmamahal—kaya dapat siguraduhin nating ligtas itong makarating. Hindi natin kailangan mandiskarte kung maayos ang sistema. At sa ShipLite Australia, ang sistema ay ligtas, legal, at propesyonal.

Walang shortcut, walang excuse. Safety first, diskarte second.

Kailangan ng Tulong sa Dangerous Goods Shipping?

Pwede kaming mag-guide sa tamang proseso para sa mga items na may lithium batteries.

Message kami sa WhatsApp